Connect with us

Dating NSA, umaasang hindi magkakaroon ng giyera sa WPS

Dating NSA, umaasang hindi magkakaroon ng giyera sa WPS

National News

Dating NSA, umaasang hindi magkakaroon ng giyera sa WPS

Sa panayam sa SMNI ay binigyang linaw ni dating National Security Adviser (NSA) Hermogenes Esperon ang isyu sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Saad niya, hindi lamang China ang may claim sa mga islang nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Aniya, nariyan din ang Vietnam, Taiwan, Malaysia at Brunei.

Pero, hindi pala ang China kundi Vietnam ang may pinakaraming isla o bahura na pinosisyunan.

“So, makikita niyo na hindi lang pala tayo ang nandiyan, nandiyan din ang Malaysia na may lima ding posisyon. Ang Brunei pa nga ay may dalawa sa ating EEZ,” ayon kay dating National Security Adviser (NSA), Hermogenes Esperon Jr.

At ayon kay Esperon, hindi giyera ang solusyon sa agawan sa teritoryo kundi pag-uusap batay sa mga umiiral na batas.

“Na ang sinasabi naman kung may territorial claims sa loob ng EEZ ay kailangan pag-usapan ‘yan. Either through the international court of justice or through bilateral talks. Kasi ang UNCLOS ay hindi nag-rule tungkol sa territory, or sovereign territorial or sovereignty,” saad pa nito.

At ngayong mas matindi ang positioning ng Amerika sa Pilipinas sa Marcos Jr. administration, umaasa si Esperon na hindi ito hahantung sa giyera.

Dahil hindi ito ang polisiya na pinairal nila sa Duterte administration kaya hindi lumala ang tensyon sa nakalipas na 6 na taon sa pinag-aagawang teritoryo.

“Hindi ito simple, ang akin lang sana ay huwag magkagulo diyan. Ang akin sana, ay lalo nating pagtibayin ang ating mga pwesto sa siyam na posisyon na tulad ng ginagawa ng Veitnam at ng China. Kung hindi man natin kaya ‘yan, ay maghintay tayo ng kaunti dahil tayo naman ay kulang pa sa military power,” ani Esperon.

Mungkahi ni Esperon, dagdagan ang defense spending natin para sa external o panglabas na mga banta.

Naubos kasi ang defense budget sa insurgency at internal threats ng bansa.

Tanggap naman ni Esperon na kaniya-kaniyang foreign policy ang bawat presidente.

At wala tayong magagawa ngayon sa mga desisyon ng administrasyon sa ating foreign relations.

More in National News

Latest News

To Top