Connect with us

DILG, PNP at PDEA, nagpaliwanag kaugnay sa totoong halaga ng shabu na nasabat sa Batangas

DILG, PNP at PDEA, nagpaliwanag kaugnay sa totoong halaga ng shabu na nasabat sa Batangas

National News

DILG, PNP at PDEA, nagpaliwanag kaugnay sa totoong halaga ng shabu na nasabat sa Batangas

Sa kanilang pagharap sa media sa Kampo Krame nagpaliwanag ang DILG, PNP at PDEA kaugnay sa naging pagbabago ng halaga ng nasabat na shabu sa Batangas noong nakaraang Lunes.

Una nang nabatid na nasa 2 toneladang shabu ang nasakote ng mga awtoridad at kalaunay bumaba ito sa 1.4 tonelada o katumbas ng P9.69-B.

Paliwanag ni Interior Secretary Benhur Abalos, nagawa lamang nila ang pagbibigay ng estima sa kagustuhan nilang makapagbigay ng impormasyon sa malaking huli ng pamahalaan.

Sa panig ng PDEA, sinabi nila na bagamat wala namang nagpipigil sa kanila ng pagbibigay ng estima sa mga nakukuhang droga pero kadalasay nakakabisado na nila ang pagbibigay ng bilang dahil naging normal na nila ang pagtantiya sa bilang ng sako o bloke ng droga na kanilang nasasakote.

Sa huli, hinimok ng DILG na iwasan na ang pagdududa sa nasabing operasyon dahil naging transparent naman anila sila sa simula palang hanggang sa pagtatapos ng imbentaryo nito.

More in National News

Latest News

To Top