Connect with us

LTFRB Chairman Guadiz, sinuspinde ni PBBM dahil umano’y korapsyon

LTFRB Chairman Guadiz, sinuspinde ni PBBM dahil umano'y korapsyon

National News

LTFRB Chairman Guadiz, sinuspinde ni PBBM dahil umano’y korapsyon

Naglabas na ng pahayag ang Office of the President kaugnay sa alegasyon ng umano’y korapsyon sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) patungkol sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.

Kasunod ito ng paglantad ng whistle blower na si Jeffrey Gallos Tumbado, dating Executive Assistant ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III.

Itinuturo ni Tumbado si Chairman Guadiz na sangkot sa talamak na korapsyon sa ahensya.

Nakakarating pa umano ito sa ilang opisyal ng Transportation Department at Palasyo.

Aabot aniya na sa P5-M ang ibinibayad ng bawat operator kapalit ng pagkuha ng prangkisa, ruta at special permit.

Bukod pa ito sa P2-M na kailangang kota ng mga LTFRB Regional Director.

Dahil dito, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ang pagsuspinde sa hepe ng LTFRB.

Sa isang pahayag, sinabi ng Pangulo hindi niya kukunsintihin ang maling asal ng sinumang opisyal ng pamahalaan sa kanyang administrasyon.

Inutos din ni PBBM ang agarang imbestigasyon.

Sa hiwalay din na pahayag, pinaiimbestigahan na rin ni DOTr Sec. Jaime Bautista ang umano’y malawakang korapsyon sa ilalim ng liderato ni Guadiz.

“We already launched an investigation on the allegations against the LTFRB. While we are already evaluating the alleged irregularities involving [Chairman Guadiz], we also issued a notice to explain against Guadiz for him to shed light on the allegations,” ayon kay Sec. Jaime Bautista

Nanindigan ang kalihim na hindi niya kukunsintihin ang korapsyon sa DOTr at mga sangay na ahensya nito.

Tiniyak din ni Bautista na mananagot ang sinumang opisyal na mapatutunayang sangkot sa anumang katiwalian

“We do not tolerate any form of corruption in the DOTr and will not hesitate to impose the stiffest sanction if the evidence so warrants,” dagdag pa ni Sec. Bautista

More in National News

Latest News

To Top