Connect with us

Halos 2-K ruta sa bansa, walang bibiyahe simula sa Feb. 1

Mga ruta sa bansa na walang sumaling jeep at UV Express sa consolidation process, nasa 2-K – LTFRB

National News

Halos 2-K ruta sa bansa, walang bibiyahe simula sa Feb. 1

Walang bibyaheng jeep o UV Express sa halos dalawang libong mga ruta sa buong bansa simula ngayong February 1, 2024.

Dahilan dito ay ang hindi pagsali sa consolidation process ng mga bumibyaheng mga jeep sa mga nabanggit na ruta ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Samantala, mula sa naturang bilang, nasa 1,700 ang ruta ng mga jeep habang halos 200 ang ruta ng UV Express.

Ang Bicol naman ang lugar na may pinakamaraming ruta na wala nang bibyaheng jeep sa susunod na buwan.

Sinundan ito ng Ilocos at MIMAROPA.

Matatandaang napagkasunduan na simula February 1 ay hindi na maaaring bumiyahe ang mga hindi sumaling jeep sa proseso.

Gunit plano ng LTFRB na magbigay ng special permits sa mga jeep na kasali sa consolidation upang makabyahe sa mga nabanggit na ruta.

More in National News

Latest News

To Top