Connect with us

Malakanyang, tiniyak ang pagtugon sa pangangailangan ng publikong bumibiyahe sa kabila ng transport strike

Malakanyang, tiniyak ang pagtugon sa pangangailangan ng publikong bumibiyahe sa kabila ng transport strike

Metro News

Malakanyang, tiniyak ang pagtugon sa pangangailangan ng publikong bumibiyahe sa kabila ng transport strike

Walang abala sa ibang lugar sa bansa maliban sa ilang ruta sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng nagaganap na .

Ito ang iniulat ng Malacañang nitong Lunes, March 6, base na rin sa report ng DOTr, LTFRB, MMDA at PNP.

Saad ng Palasyo, normal ang operasyon ng public utility vehicles (PUVs) nationwide maliban na lamang sa ilang ruta sa Metro Manila.

Gayunpaman, tiniyak ng Malacañang sa publiko na may sapat na asset at tauhan ang gobyerno para tumugon sa pangangailangan ng publikong bumibiyahe.

Nagbigay ang pamahalaan ng Libreng Sakay para sa mga komyuter na apektado ng transport group strike.

Simula alas-10 ng umaga nitong Lunes, hindi naapektuhan ang EDSA Busway Carousel ng anumang aktibidad sa transport strike.

Saysay pa ng Palasyo, maayos ang takbo ng operasyon ng Busway Carousel, na may mababang dami ng pasahero na naobserbahan sa lahat ng mga istasyon.

Bukod dito, pinadali na rin ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang pag-ferry ng mga apektadong pasahero mula sa Almar Subdivision sa Caloocan patungong Quezon City.

Nagpapakalat na rin ng mga sasakyan ang mga awtoridad para magsilbi sa mga pasahero sa rutang Dapitan-Baclaran.

As of 4 a.m. pa lang, ay nag-preposition na ang gobyerno ng buses para sa Free Sakay sa Pasay City, Marikina City, Caloocan City, maging sa Quezon City.

Batay sa ulat bandang 7:15 a.m., normal ang naging operasyon ng EDSA Busway na may katamtaman hanggang mabigat na dami ng mga pasahero sa southbound mula sa north sector stations, MCU at Roosevelt.

Inihayag ng mga awtoridad na natugunan na ito at mayroon na silang sapat na bilang ng mga bus upang maghatid ng mga stranded na pasahero.

Sa Calabarzon naman, bandang alas-6 ng umaga, nagbahagi ng ulat ang mga awtoridad ukol sa kalagayan sa SM-Crossing Calamba Terminal sa Lungsod ng Calamba sa Laguna.

Ayon sa report, humigit-kumulang 30 na stranded na mga pasahero sa terminal.

Samantalang ang mga dyip naman na bumibiyahe sa rutang Calamba-Biñan ay nasa normal na operasyon.

Nasa normal na operasyon din ang mga modernong jeep na bumibiyahe sa rutang Calamba-Pacita Complex.

Mababatid na hindi bababa sa 11 major jeepney at UV (utility vehicle) groups sa Metro Manila ang mariing tumutol sa planong transport group strike na pinamumunuan ng Manibela, isang alyansa ng UV drivers at isang party-list group.

More in Metro News

Latest News

To Top