Connect with us

Online process ng pagpaparehistro ng prepaid SIM card holders, iminungkahi ng DICT

Online process ng pagpaparehistro ng prepaid SIM card holders, iminungkahi ng DICT

National News

Online process ng pagpaparehistro ng prepaid SIM card holders, iminungkahi ng DICT

Iminungkahi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na payagan ang online na proseso ng pagpaparehistro ng prepaid SIM card holders.

Ito ay upang maiwasan ang mahabang pagpila pa ng mga user sa mga opisina ng public telecommunications entities (PTE).

Ang pahayag ni Uy ay kasunod ng dinaluhang ceremonial signing ng sa Malakañang na pinangunahan ni Pangulong BongBong Marcos.

Bukod sa nabanggit, inirekomenda rin ng kalihim na hayaan ang mga prepaid SIM card subscribers na makapagrehistro ng maraming SIM card sa ilalim ng kanilang pangalan.

Samantala, inilahad naman ng DICT secretary na kailangan pa ring magpasya ng National Telecommunications Commission (NTC) sa itatakdang panahon ng mga existing prepaid SIM card holder na magparehistro ng kanilang mga SIM card.

Mababatid na magiging katuwang ng NTC ang Iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagbeberepika ng mga identification cards na isusumite ng SIM card users.

More in National News

Latest News

To Top