Connect with us

Pagkakaroon ng ‘master plan’ para sa foreign policy ng Pilipinas, ipinanawagan

Pagkakaroon ng 'master plan' para sa foreign policy ng Pilipinas, ipinanawagan

National News

Pagkakaroon ng ‘master plan’ para sa foreign policy ng Pilipinas, ipinanawagan

Naniniwala ang isang senador na napapanahon na para magkaroon ng master plan ang Pilipinas patungkol sa foreign policy. Ito ay para maiwasan ang paiba-ibang posisyon ng gobyerno tuwing nagpapalit na ng pangulo.

“Ano ang gusto nating mangyayari? Ang endgame ba ay maprotektahan lang ang Scarborough? papaano kung dun sa kabila pumunta? Naanticipate na ba ang lahat ng scenario? ‘yung mga bansang kasama natin biglang iwan tayo at nakapag-compromise sa kabila? How are we going to react? These are the things that I wanted to be clear about,” ayon kay Senate Majority Floor Leader, Sen. Joel Villanueva.

‘Yan ang ilan sa mga katanungan ni Senate Majority Floor leader Joel Villanueva patungkol sa foreign policy ng Pilipinas.

Nais ng senador na maging tiyak at kampante kung ano ang tatahaking direksyon ng gobyerno kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Batid ng mambabatas na hati ang mga Pilipino patungkol sa soberanya ng bansa sa WPS pero giit niya hindi ito ang panahon para magkawatakwatak dahil sa posibleng ito ang nais na mangyari ng kalaban.

“‘Yung lacking na nakikita ko is that a real masterplan as to how we would like to handle everything at the end of the day.”

“As a nation, what do we want to accomplish. Sino ba ang tumitimon dito, diba?” saad pa ni Sen. Villanueva.

Ibinahagi ng Senador na sa kanyang pagdalo sa ibat ibang international fora ay pansin niya ang pagkakaisa ng mga lider ng ibang bansa patungkol sa mga mahahalagang isyu.

May nakikita rin aniya siyang tensyon sa politika pero pagdating sa pagtatanggol sa interes ng kanilang bansa ay iisa lang ang kanilang tono.

“That’s what I have been asking for.”

“Nakalulungkot kasi pag sinasabi na okay we understand that the president is the architect of our foreign policy and now you replace the president after 6 years and then you have another foreign policy diba?” ani Villanueva.

Bukas ang senador sa pagkakaroon ng pagpupulong ng mga stakeholders mula sa magkakasalungat na posisyon pero pakiusap niya na sana ay pag-usapan na lamang ito ng tahimik at wag nang isapubliko pa.

Sa ngayon ay mahalaga aniya na alam ng ating mga kababayan ang katotohanan sa ating territorial waters at maritime zones para doon mag-umpisa bago tumulak sa anumang mapagkakasunduang direksyon.

More in National News

Latest News

To Top