Connect with us

Panukalang batas para bigyan ng special powers ang pangulo vs traffic problem sa Metro Manila, inihain sa Kamara

Naghain ngayong lamang buwan ng panukalang batas si Paranaque 2nd District Rep. Gus Tambunting para bigyan ng special powers

National News

Panukalang batas para bigyan ng special powers ang pangulo vs traffic problem sa Metro Manila, inihain sa Kamara

Naghain ngayong lamang buwan ng panukalang batas si Paranaque 2nd District Rep. Gus Tambunting para bigyan ng special powers ang pangulo ng bansa para maresolba ang traffic problem sa Metro Manila.

Paliwanag nito, ₱2.4 billion ang nawawala sa kaban ng bayan kada araw hindi pa kasama ang nasasayang na mga opurtunidad kaya dapat itong maresolba sa lalong madaling panahon.

Nakababahala din aniya na ang Metro Manila ang may ‘worst traffic on earth’ batay sa pag-aaral ng GPS-based navigation application na waze na nakadagdag sa bigat na dapat matugunan ang problema.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng Pangulo ng kapangyarihan na pumasok sa mga kontrata at kasunduan para bumili, mag-ayos, mag-rehabilitate at mag-maintain sa lahat ng transportation related construction projects para maresolba ang traffic problem sa metro manila.

Bibigyan rin ng otoridad ang Pangulo na i-reorganize ang mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa traffic management gaya ng DOTr, LTO, LTFRB, MMDA at Toll Regulatory Board para bumuo ng mga polisya.

Sakop din ng bill ang pagbibigay otoridad sa presidente na pangunahan ang operasyon ng LRT, MRT, PNR sa kaparehas na layunin.

More in National News

Latest News

To Top