Connect with us

Pilipinas, wala nang aktibong guerrilla front ng NPA – PBBM

Pilipinas, wala nang aktibong guerrilla front ng NPA – PBBM

National News

Pilipinas, wala nang aktibong guerrilla front ng NPA – PBBM

“Mapag-usapan din po natin ‘yung mga internal security threats ika nga. Ang mga kasama rito ay ang ating mga kapulisan, ang militar, at ang Department of National Defense,” ayon kay Pres. Ferdinand Marcos, Jr.

Wala nang aktibong guerrilla front ang New People’s Army (NPA) sa bansa base sa tala ng pamahalaan noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na resulta ito ng anti-communist insurgency campaign ng gobyerno.

Nitong 2023, nakapag-neutralize ang pamahalaan ng 1,399 na mga miyembro ng communist at local terrorist groups.

Nakakumpiska rin ang gobyerno ng 1,751 na mga armas sa pamamagitan ng paghuli, pagkumpiska, pagbawi at pag-surender sa mga ito.

Pinuri naman ng pangulo ang mahusay na pagganap ng mga pwersang panseguridad sa kanilang tungkulin na mapanatili ang kaayusan sa bansa.

Ang mga progresong ito ay sa pamamagitan ng pinagsama-samang pagsisikap ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of National Defense (DND), at intelligence agencies ng gobyerno.

Una rito, nagbigay ang administrasyong Marcos ng kabuuang P91.47-M sa mga dating rebelde at surrenderees.

Ito ay nagsilbing tulong pinansyal sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) package ng pamahalaan na pinangangasiwaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Base sa year-end report ng ahensya, umabot sa 1,119 na mga dating rebelde, na binubuo ng 821 NPA fighters at 298 Militia ng Bayan (MB) members, ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan hanggang sa katapusan ng Nobyembre 2023.

Kabilang sa iba’t ibang tulong sa ilalim ng DILG package ang agarang tulong sa 1,055 na benepisyaryo; livelihood assistance sa 713 recipients; reintegration assistance sa 1,074 na benepisyaryo; at kabayaran sa 264 na baril na kanilang itinurn-over sa mga pwersa ng pamahalaan.

More in National News

Latest News

To Top