Connect with us

Senado, bitin sa SONA dahil sa ‘di pagbanggit ng wage hike

Senado, bitin sa SONA dahil sa 'di pagbanggit ng wage hike

National News

Senado, bitin sa SONA dahil sa ‘di pagbanggit ng wage hike

Nakukulangan ang liderato ng Senado sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay matapos di nabanggit sa SONA ang usapin sa wage increase.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, maraming matagumpay na programa at proyekto na nabanggit ang Pangulong Marcos.

“Alongside these accomplishments, I would have liked to hear more about the administration’s plans to support our workers by way of increased wages and benefits,” ayon kay Senate President, Sen. Juan Miguel Zubiri.

Ngunit nais rin niyang marinig kung ano ang plano ng administrasyon para suportahan ang mga manggagawang Pinoy sa pamamagitan ng umento sa sahod at pinalawak na benipisyo.

Matatandaan na una nang sinabi ni Zubiri na bukod sa 20 priority bills ay kabilang ang pagtataas sa suweldo sa pangunahing isinusulong ng Senado bago matapos ang 2023.

Una na ring kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Senator Koko Pimentel kung bakit hindi kasama sa prayoridad ng pamahalaan ang usapin ng wage hike sa mga manggagawa sa pribadong kumpanya gayung patuloy ang pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin.

Ipinunto ni Senator Koko Pimentel na dapat unahin ang sikmura ng taumbayan.

“The cost of living is very high. The income of the typical Filipino family is not enough for their basic needs and for their decent existence as a family of human beings. Those who are employed are not paid “living wages”. Many are unemployed and many more are underemployed,” ayon naman kay Sen. Pimentel.

Mataas aniya ang cost of living sa bansa at kulang pa ang kita ng karaniwang Pilipino para sa mga pangunahing bilihin.

Matatandaan na nagkaroon na ng P40 na wage hike sa National Capital Region (NCR) kamakailan, ngunit ito ay kakarampot lamang ayon sa senador.

Para naman kay Senator Jinggoy Estrada na siyang chairman ng Committee on Labor sa Senado ay patuloy nyang susuportahan ang hiling ng mga mangggawa na wage increase.

“Ako bilang chairman ng Senate committee on labor, ipagpapatuloy ko pa rin ang hearing dun sa legislated wage hike,” saad naman ni Chair, Committee on Labor, Sen. Jinggoy Estrada.

Matatandaan na una nang nag-commit ang Senado na isulong ang isang nationwide wage hike sa pamamagitan ng pagpasa ng batas kaugnay nito.

Pero kontra naman dito ang mga businessmen dahil sa malaki ang posibilidad na sila ay malulugi, kung kaya’t mas pabor sila na ipaubaya sa regional wage boards ang desisyon.

Una nang sinabi ni Zubiri na isusulong ng Senado ang P150 wage increase.

More in National News

Latest News

To Top