Connect with us

State chairman ng MNLF Davao City, nagpahayag ng paggalang kay Pastor ACQ dahil sa kaalaman nito sa Holy Qur’an

State chairman ng MNLF Davao City, nagpahayag ng paggalang kay Pastor ACQ dahil sa kaalaman nito sa Holy Qur’an

National News

State chairman ng MNLF Davao City, nagpahayag ng paggalang kay Pastor ACQ dahil sa kaalaman nito sa Holy Qur’an

May komento ngayon ang isang mataas na opisyal ng Moro National Liberation Front (MNLF) kay Pastor Apollo C. Quiboloy matapos mag-viral sa social media ang kaniyang pangangaral gamit ang banal na aklat ng mga kapatid nating Muslim.

“And you know in my study, violence has no place in Islam. Violence has no place in Islam. That is the reminder of the Qur’an,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

‘Yan ay bahagi ng isa sa mga pangangaral ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ kaugnay sa paksa ng kapayapaan.

Lalo na sa mga panahon ngayon ng pag-iral ng digmaan sa Gitnang Silangan kung saan ang lahat ay nananawagan nito.

Bukod sa banal na Bibliya, bihasa ang butihing pastor sa mga turo ng Holy Qur’an, ang banal na aklat ng mga kapatid nating Muslim.

At ayon sa Qur’an…

“And I quote, we made a covenant with you shall not shed your blood. Nor you shall evict each other from your homes. You agreed and bore witness. (Holy Qur’an 2:84),” dagdag pa ng butihing pastor.

Malinaw ani Pastor Apollo na kapayapaan ang hanap ng mga kapatid nating Muslim.

Bagay na siyang dapat ipalaganap sa buong mundo lalo na dito sa Pilipinas.

“The traits of the believers are reflected not in violence as understood from these verses. They and I quote; They avoid gross sins and vice. And when angered, they forgive. They respond to their lord by observing prayers or salat. Their affairs are decided after due consultations among themselves and from our provisions to them, they give to charity,” ani Pastor Apollo.

“Now, I praise Pastor Apollo Quiboloy for such preaching the holy Qur’an at saka ‘yung Hadits,” ayon namam kay Current State Chairman, MNLF Davao City, Roland ‘Aziz Monk’ Olamit.

Viral sa social media ang pangangaral na iyon ng butihing pastor na may daan-daang libong views.

Hanga rin ang netizens sa mga paliwanag ni Pastor Apollo na nagsusulong ng pagkakaisa sa mga Kristiyano’t Muslim.

At para sa state chairman ng MNLF Davao City na si Aziz Monk Olamit, kagalang-galang ang mga pahayag ni Pastor Apollo na napanood niya sa internet.

Kaya para sa MNLF at sa Muslim community, hindi kapani-paniwala ang mga paninira ngayon sa butihing pastor…

“Na-touch kami na mga Muslim sa kaniya. Nagkaroon kami ng respeto sa kaniya. That’s why hindi ako maniwala na gagawa siya ng masama. Dahil pati ‘yung Qur’an at saka ‘yung Hadits, interpretation ng Qur’an eh alam niya,” saad pa ni Roland ‘Aziz Monk’ Olamit.

Saad ni Olamit, bihira sa isang pastor ang may malalim na pang-unawa sa mga turo ng Islam.

Kaya bukod sa pastor, kapatid na rin ang turing nilang mga Muslim kay Pastor Apollo.

“So, kung marinig mo man ako… I will call him brother, Pastor Apollo C. Quiboloy, sana you live peacefully, ngayon you will be delivered. Mabigyan ka rin ng hustisya. Because everything is a destiny. Siguro ang pagkakataon na nangyari ito sa’yo is kagustuhan ng panginoon natin. You will be vindicated sooner or later. Inshallah pastor,” ani Olamit.

Batay sa 2023 data ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa higit 6-M ang mga kapatid nating Muslim sa buong bansa.

Karamihan sa mga ito ay nasa Mindanao kung saan rin nagmula ang Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo sa Davao City.

More in National News

Latest News

To Top