National News
Bawas presyo sa LPG, ipinatupad
Nagpatupad ng bawas presyo sa produktong liquefied petroleum gas (LPG) at auto-LPG ang ilang mga kumpanya ng langis simula kaninang hatinggabi.
Sa ipinalabas na advisory ng Phoenix LPG Phil. Inc. at Petron, may bawas na P10.70 sa presyo kada kilo ng LPG o katumbas ng P117.70 sa kada 11-kilo na regular na tangke.
May bawas-presyo rin ang mga ito na P6.00 sa kada litro ng auto-LPG.
Habang ang Solane LPG ay may bawas-presyo rin na P9.85 kada kilo o kabuuang P108.68 sa kada regular na tangke na epektibo ngayong araw.
Ang paggalaw sa presyo ay dahil sa epekto ng international contract price ng LPG sa buwan ng Abril.