Connect with us

Dagdag pondo para sa gusali ng COMELEC, ipinanawagan ni Garcia

Dagdag pondo para sa gusali ng COMELEC, ipinanawagan ni Garcia

National News

Dagdag pondo para sa gusali ng COMELEC, ipinanawagan ni Garcia

Nananawagan si Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia sa Kamara na gawing P2 billion ang budget ng komisyon para sa pagpapagawa ng sariling gusali ng ahensya.

Ani Garcia, posibleng matapos ang bagong gusali ng bago ang susunod na presidential elections sa taong 2028.

“Kapag succesfully depend na po tayo ng budget natin noong nakaraang linggo at nagpapasalamat tayo sa mababang kapulungan at sa susunod na linggo naman po ay hopefully ay mapag-debatehan na sa plenaryo ‘yung amin pung budget,” ani Garcia.

Aabot naman sa P4.987 bilyon ang proposal budget sa COMELEC sa 2023, kung saan humigit-kumulang P500 milyon ay mapupunta sa pagtatayo ng bagong gusali.

Paliwanag ni Garcia, ang pagpapatayo ng bagong gusali ay hindi luho at kailangan talaga ito ng komisyon.

“At humihingi po kami ng pag-unawa sa ating mga kababayan na hindi naman po ito luho sa part ng Commission on Election, sadya po talagang kailangang-kailangan na po naming magkaroon ng sarili po naming tahanan,” dagdag pa ng COMELEC chair.

Umaasa naman si Garcia na mapag-usapan na sa Kamara ang budget ng komisyon sa susunod na linggo.

More in National News

Latest News

To Top