Connect with us

BREAKING | Davao City, nagpositibo na sa African Swine Fever

ASF Davao City

Regional

BREAKING | Davao City, nagpositibo na sa African Swine Fever

Inanunsyo ngayong hapon ni Department of Agriculture (DA) Region 11 Director Ricardo Oñate Jr. na nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang ilang baboy sa Davao City.

Ayon kay Dir. Oñate, pinadala nila ang blood sample ng mga baboy sa Davao sa Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory ng DA sa General Santos noong Lunes para ipasuri at lumabas na positibo ang mga ito sa ASF.

Dahil sa bagong development, humingi na ng tulong ang DA Region 11 at City Veterinarian Office sa Philippine National Police para ipatupad ang 1-7-10 protocol.

Ayon City Veteirnarian Office Chief Dr. Cerelyn Pinili na makikipagpulong sila sa mga hog raisers ng syudad para turuan sila nararapat gawin.

Ipapabatid din anya sa mga apektadong may-ari ng babuyan kung ano ang tulong o ayudang pinansyal mula sa lokal na pamahalaan.

Dagdag pa ni Dr. Pinili , ipatutupad sa 1km radius ng apektadong barangay ang pagpatay at paglilibing ng mga baboy na apektado ng ASF.

Nabatid na sa Brgy. Dominga at Brgy. Lamanan sa Calinan District sa Davao City ang ground zero ng ASF affected area kung saan magpapatupad ang pamahalaan ng total lockdown sa lugar.

Ulat ni Brenda Manalo ng DXRD 711 Sonshine Radio Davao

More in Regional

Latest News

To Top