Connect with us

Kamara, iimbestigahan ngayong araw ang mga isyu ng korapsyon laban sa PhilHealth

Nanawagan ang ilang mga mambabatas na isantabi na muna ang mga alitan upang matapos sa takdang oras ang mga pagdinig para sa 2021 national budget.

National News

Kamara, iimbestigahan ngayong araw ang mga isyu ng korapsyon laban sa PhilHealth

Ipapatawag ngayong araw sa Kamara ang mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para personal na sagutin ang mga isyu ng korapsyon laban sa ahensya.

Magaganap ang Motu Proprio Investigation ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa mga iregularidad at alegasyon ng korapsyon.

Ayon kay Committee on Public Accounts Chairman Mike Defensor, dapat masagot sa hearing kung bakit hanggang sa ngayon ay talamak parin ang korapsyon sa ahensya.

Sinabi pa ni Defensor nanoon pa man ay binalaan na niya si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales sa mga raket na ginagawa sa loob ng tanggapan kaya walang maipakitang Commission on Audit (COA) report ang ahensiya noong nakaraang budget hearing.

Kabilang naman sa mga inimbitahan sa hearing ngayong umaga ay si Resigned PhilHealth Anti-Fraud Legal Officer Thorrsson Keith na nagresign sa pwesto dahil umano sa isyu ng korapsyon.

Sa isang pahayag, iginiit ni Defensor na dapat masagot ni Keith ang mga “spillages” o korapsyon sa PhilHealth para sa ikakaliwanag ng taumbayan.

Dapat din aniyang ikanta ni Keith kung sino-sino ang mga PhilHealth officials na sangkot sa mafia sa loob ng ahensya.

“Mr. Keith should explain what these spillages are, what are the instances of corruption in the state health insurance firm, and who are the officials and personnel involved”, saad ni Defensor.

Samantala, si House Minority Leader Benny Abante ay nais ding paimbestigahan ang mga alegasyon sa PhilHealth.

Sinabi ni Abante na nakakatanggap siya ng mga reklamo tungkol sa isang modus kung saan inilalagay na COVID-19 ang sakit ng isang pasyente kahit iba ang sakit nito para lamang makakuha ng malaking diskwento.

 

 

 

 

 

More in National News

Latest News

To Top