National News
Pagkiling ni PBBM sa US, ‘di makabubuti sa Pilipinas – Sen. Imee Marcos
Bakit nga ba kailangang kumiling o dumikit ng Pilipinas sa bansang Amerika?
Ayon mismo kay Senador Imee Marcos, hindi ito makakabuti para sa ating bansa.
Muli niyang pinuna ang ginawa na namang pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa Estados Unidos para sa US-Japan-Philippines Trilateral summit.
Sa isang eksklusibong panayam sa SMNI nitong Biyernes, Abril 12, ay naghayag ng pagkabahala ang nakatatandang kapatid ng pangulo dahil sa maiipit ang Pilipinas sa geopolitical war sa pagitan ng US at China.
Bago pa ang pagtitipon, isang senior U.S. official ang nagpaliwanag sa mga mamamahayag na ang pulong ay direktang tugon sa panghihimasok ng China sa South China Sea at layunin nitong iparating ang “malinaw na” mensahe ng pagkakaisa.
“Itong pagkiling sa isang superpower ika nga ay hindi makabubuti sa pilipinas. Maiipit tayo sa dalawang dambuhalang bansa. Maliit lang tayo na bansa hindi tayo dapat sasama sa mga geopolitical games. Itong mga tensyon nila ay hindi naman tayo kasangkot jan. Hindi naman tayo, nakiki-away. Bakit tayo inoobliga pumili,” ayon kay Committee on Foreign Relations, Chairperson, Sen. Imee Marcos.
Pati nga ang pagiging malapit ni PBBM sa mga Amerikano ay ipinagtataka rin ng Senadora.
Matatandaan na bago pa man napili bilang pangulo ng bansa noong halalang 2022, ay lantarang binabatikos ni Marcos Jr. ay aniya’y madalas na pakikialam ng Estados Unidos sa ibang bansa.
Pero nang maupo na itong pangulo, ay makailang beses na itong nagpabalik-balik sa Amerika para pagtibayin ang alyansa nito sa Pilipinas.
Higit pa riyan ay bukambibig na rin ng kasalukyang administrasyon ang tila paghahanda para sa isang digmaan kontra China.
“Nagtataka ako hindi ‘yan ang stand ang tatay ko. Ang aking ama pareho ni Presidente Duterte talagang tinatagayud ang independent foreign policy at eto nga parang masyado tayong kumikiling sa Amerikano. Wag tayog magpapagamit wag tayong kakampi wag tayong pipili. Wala naman tayong kaaway. Bakit tayo makipag-away sa China,” dagdag pa ng senadora.
Para kay Senadora Imee, hindi dapat kinakalaban ang china, lalo na’t ito ang pinakamalaking trade-in partner ng Pilipinas, maliban pa sa kapitbahay lang natin ito.
“Paano tayo kakain, mag hahanapbuhay at tuloy-tuloy na mabuhay ng mapayapa kung di tayo makakapag-export o import napakalaki ng kanilang bahagi sa ating ekonomiya,” ani Sen. Imee.