National News
Sen. Cynthia Villar, pinangunahan ang pagdiriwang ng International Coastal Clean-up Day sa Las Pinas-Paranaque Wetland Park
Pinatitiyak ni Sen. Cynthia Villar na dapat maliwanag ang ating pangakong pangalagaan ang karagatan para sa kapakinabangan ng lahat.
Sa International Coastal Clean-up Day (ICC) na idinaos sa Las Pinas-Paranaque Wetland Park (LPWP), sinabi ng chairperson ng Senate Committees on Environment and Natural Resources, na protektahan natin ang ating kapaligiran at karagatan dahil nakaasa tayo sa yaman nito.
Ang ICC ay Ipinagdiriwang taon- taon tuwing ikatlong Sabado ng September.
Kumakatawan ang ICC sa pinakamalaki sa buong mundo bilang volunteer effort sa ocean health
Sa kanyang speech, binigyan diin niya na ang ating park ay protected sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11038 o ang Expanded NIPAS Act of 2018, na isinulong niya sa Senado.
Bukod dito, kinilala ang LPPWP na ika-6 na Wetland of International Importance sa International Convention for the Conservation of Wetlands o Ramsar Convention.
Bilang kasapi ng Ramsar Convention, tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang Ramsar sites, kabilang ang LPPWP.