Connect with us

Senado, tumanggi sa panawagang ceasefire ng Kamara

Senado, tumanggi sa panawagang ceasefire ng Kamara

National News

Senado, tumanggi sa panawagang ceasefire ng Kamara

Hindi aatras ang Senado sa ginagawa nitong pag-iimbestiga sa mga iregularidad na bumabalot sa kontrobersyal na pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Sinabi ni Senador Imee Marcos na hangga’t hindi na napapatunayang patay na people’s initiative (PI) ay magtutuloy-tuloy ang pagbusisi nila sa naturang inisyatibo.

Ito nga’y kahit pa nananawagan ng ceasefire ang Kamara para maaprubahan na ang Resolution of Both Houses Number 6 na nagsusulong ng pagbabago sa ilang economic provision ng Saligang Batas.

Sa ginanap ngang imbestigasyon ng komite ni Sen. Imee sa Senado kahapon, January 30, patungkol sa PI, napatunayang may kinalaman talaga si Speaker Martin Romualdez dito.

Sinabi rin ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga nakalap na pirma ay valid sa kabila ng pasuspinde sa kahit na anumang aksyon na may kinalaman sa PI.

Sa kabila nito ay nilinaw ng senadora na hindi sila tutol sa Charter Change (Cha-Cha) basta’t wag lang ito idaan sa isang pekeng pamamaraan.

More in National News

Latest News

To Top