Regional
Halos 300 reservists mula sa Eastern Mindanao, lumahok sa Reserve Force Joint Training Exercise sa Bukidnon
Aabot sa 276 na reserve force sa buong Eastern Mindanao ang lumahok sa 3 araw na Reserve Force Joint Training Exercise na may temang ‘Hiniusang Pagbansay’ na pinangunahan ng Mindanao Army Training Group sa Camp Kibaritan, Kalilangan, Bukidnon.
Layon ng pagsasanay na palakasin ang kahandaan at kondisyon ng Ready Reserve Units, Affiliated Reserve Units, Interoperability of Command and Control, Seamless Integration ng Philippine Army Reserve Force.
Kabilang sa tinalakay ang pagpapataas ng kaalaman ng mga reservist sa taktika at paraan sa basic soldiery na mahalaga sa panahon ng combat at non-combat operations.
Pinuri naman ni 4ID Asst. Division Commander for Reservist and Retiree Affairs Col. Ted Dumosmog ang mga citizen-soldiers at regular forces na dumalo sa pagsasanay na walang ibang layunin kundi ang mapalakas ang reserve force.
