Connect with us

Light vehicles na nahuli ng MMDA sa national roads sa unang araw ng paniniket, umabot sa mahigit 130

Light vehicles na nahuli ng MMDA sa national roads sa unang araw ng paniniket, umabot sa mahigit 130

Metro News

Light vehicles na nahuli ng MMDA sa national roads sa unang araw ng paniniket, umabot sa mahigit 130

Mahigit sa 130 mga light vehicles kasama ang e-trike ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dumaan sa mga national roads sa kanilang ginawang operasyon kahapon araw ng Miyerkules, ika-17 ng Abril.

Sa datos ng ahensya nakahuli ang kanilang mga tauhan ng 72 tricycle, 4 na pedicab, 26 na e-trike at 29 na e-bike kung saan sa nasabing bilang 41 dito ang naimpound.

Pinagmulta ang driver ng mga nasabing sasakyan ng P2,500 na nahuling dumadaan sa mga piling pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Sa ginawang operasyon kung hindi rehistrado o’ walang maipakitang lisensya ang driver kinumpiska ang unit at dinala ito sa kanilang impounding area.

More in Metro News

Latest News

To Top