Metro News
Grace period hinggil sa e-vehicle ban sa mga pangunahing daan sa Metro Manila, ipatupad – PBBM
Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na magpatupad ng grace period hinggil sa pagbabawal ng electric vehicles sa 20 na mga pangunahing lansangan sa Metro Manila gaya ng EDSA.
Sakop ng grace period ang hindi pag-ticket, pag-multa at pag-impound ng mga e-trike.
Kung paparahin ang mga ito ani PBBM ay upang maayos na maituro ang mga kalsadang maaari nilang gamitin.
Aniya pa, kailangan ring magbigay ng sapat na panahon para sa malawak na pagsisiwalat ng impormasyon hinggil sa ban na ipinapatupad.
Hindi lang naidetalye nito kung hanggang kailan ang grace period.
Kasama sa ban simula nitong April 15, ang tricycles, pushcarts, pedicabs, kuliglig, e-bikes, e-trikes, at light e-vehicles.
