Connect with us

 Mas mahigpit na COVID-19 restrictions, posibleng ibalik dahil sa dalang banta ng Delta variant

May malaking tsansa na ibalik ang mas mahiggpit na restriction sa bansa dahil sa pinangangabahang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant.

COVID-19 UPDATES

 Mas mahigpit na COVID-19 restrictions, posibleng ibalik dahil sa dalang banta ng Delta variant

May malaking tsansa na ibalik ang mas mahigpit na restriction sa bansa dahil sa pinangangambahang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk  to The People Address kagabi, matapos kumpirmahin ng Department Of Health na may naitalang 36 kaso ng Delta variant sa bansa.

Katunayan pa nga ani pangulo ay nagpatupad ng lockdown muli ang mga karatig bansa.

Ipinag-utos din ni Pangulong Duterte ang pagpatutupad ng mas mahigpit na health protocols laban sa banta ng Delta variant.

Samantala, tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque na patuloy ang ginagawa nilang pagbabantay sa naitatalang kaso at health system sa bansa.

Pinapaigting din nila aniya ang pagpatutupad ng response strategies para mapigilan ang pagtaas ng kaso na nararanasan ng karatig na mga bansa.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top