Connect with us

Natagpuang mga kalansay sa DOJ, posibleng sa 3-5 tao

Natagpuang mga kalansay sa DOJ, posibleng sa 3-5 tao

National News

Natagpuang mga kalansay sa DOJ, posibleng sa 3-5 tao

Posibleng sa tatlo hanggang limang tao ang natagpuang mga kalansay sa isang construction site sa compound ng Department of Justice (DOJ) kahapon, Nobyembre 24, 2022.

Batay ito sa inisyal na impormasyon na ibinahagi ni DOJ Spokesperson Atty. Mico Clavano.

Ayon kay Clavano, pinayuhan sila ni Dr. Raquel Fortun na huwag galawin ang mga kalansay kung marami pa ang matagpuan.

Sinabi ni Clavano na inaasahan nila ang ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) ukol sa skeletal remains ngayong araw o sa susunod na linggo.

Nakatakda namang makipagpulong si DOJ Secretary Boying Remulla kay Dr. Fortun at mga anthropologist mamayang alas 2:30 ng hapon sa DOJ.

More in National News

Latest News

To Top