Connect with us

Pagsugpo sa online sexual exploitation sa mga bata, puntirya ng NBI

Pagsugpo sa online sexual exploitation sa mga bata, puntirya ng NBI

National News

Pagsugpo sa online sexual exploitation sa mga bata, puntirya ng NBI

Aminado ang National Bureau of Investigation (NBI) na malaki ang problema ng Pilipinas sa online sexual exploitation ng mga bata at katunayan ay maraming ganitong mga reklamo ang nakahain sa ahensiya.

Gayunman, naniniwala si NBI Director Medardo De Lemos na magiging malaking tulong ang mga computer at mga equipment na donasyon ng Germany sa pag-iimbestiga sa mga kaso ng online sexual abuse at exploitation sa mga kabataan.

Sinabi ni De Lemos na gagamitin ng NBI Anti-Human Trafficking Division na ang mga donasyon mula sa German Federal Police Liaison Office kinabibilangan ng sampung unit’s ng laptop, dalawang set ng PC desktop, mga printer, mga scanner, mga IT software and hardware, at iba pang uri ng mga equipments.

Nabatid na ito ang ikalawang batch ng donasyon ng Germany sa NBI at ang unang donasyon ay ibinigay noong Setyembre ng nakaraang taon.

Ayon kay De Lemos, sa  tulong  ng mga  equipment  mula sa Germany,  mabilis  na  nakapaghain  ng   kaso   at paghabol sa mga sangkot sa online sexual exploitation.

More in National News

Latest News

To Top