Connect with us

PNP Chief Gamboa, muling sumailalim sa self-quarantine

PNP Chief Gamboa, muling sumailalim sa self-quarantine

COVID-19 UPDATES

PNP Chief Gamboa, muling sumailalim sa self-quarantine

Sumailalim ulit sa panibagong self-quarantine si Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Francisco Gamboa matapos itong ma-expose sa 3 pulis na nagpositibo sa COVID-19.

Matatandaang inihayag ni PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac na 3 sa pulis na nakatalaga sa Metro Manila ay nagpositibo.

Mananatili si Gamboa sa tinutuluyan nito sa loob ng kampo at titiyakin nitong gagawin pa rin ang mga tungkulin habang naka self-quarantine.

Sa ngayon, nasa 22 na ang confirmed COVID-19 cases sa PNP habang 299 ang persons under investigation (PUI) at 1, 384 naman ang persons under monitoring (PUM).

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top