Connect with us

House Speaker Velasco at Rep. Romero, pinangunahan ang pagbubukas ng 3rd regular session ng Kamara

House Speaker Velasco At Deputy Speaker Romero, pinangunahan ang pagbubukas ng 3rd regular session ng Kamara

National News

House Speaker Velasco at Rep. Romero, pinangunahan ang pagbubukas ng 3rd regular session ng Kamara

Pinangunahan ni House Speaker Lord Alan Velaso at Deputy Speaker Mikee Romero ang ika-tatlong regular session ng Kamara kung saan sila ang tumayong mga presiding officer.

Ito ay ginanap ilang oras bago ika-6 na State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Rodrigo Roa Duterte.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni Velasco si Pang. Duterte dahil sa mga batas na naipasa sa ilalim ng kanyang pamamahala para sa kapayaan at katahimikan ang Pilipinas.

Bukod pa rito, sinabi ni Velasco na pamana ng pagbabago ni Pang. Duterte ang kanyang mga nagawa para sa bansa.

Samantala sa pagbubukas ng sesyon, ani Velasco bubusihihin nila ang 2022 National Budget at mamadaliin na maipasa ang iba’t-ibang mga priority measure ng gobyerno.

 

Habang tuloy-tuloy naman ang pagdating sa Batasang Pambansa ng mga opisyal at personalidad na pisikal na dadalo sa huling SONA ng pangulo ngayong hapon.

Kabilang sa maagang dumating sa batasan ang mga aktor na sina Robin Padilla at Phillip Salvador na kilala bilang taga-suporta ng pangulo.

Dumating na rin sa lugar sina:

  • Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo,
  • Philippine National Police (PNP) Chief Guillermo Eleazar,
  • Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri,
  • Senators Francis Tolentino,
  • Bong Revilla,
  • Health Sec. Francisco Duque III,
  • Defense Sec. Delfin Lorenzana,
  • DILG Sec. Eduardo Año at
  • Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, maging sina ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo kasama si Broadcaster Raffy Tulfo.

Pawang nakasuot lamang ang mga guest ng simpleng barong.

Samantala, nakadisplay naman sa main building ng batasang pambansa ang piling artworks ng mga Filipino artists.

Batay sa exhibits description, ang mga painting ‘Complement’ 14 Republic Acts na nilagdaan bilang batas ni p ang. Duterte.

More in National News

Latest News

To Top