Connect with us

Isang pekeng PCSO booklet seller sa Cebu, naaresto – NBI

Isang pekeng PCSO booklet seller sa Cebu, naaresto – NBI

Regional

Isang pekeng PCSO booklet seller sa Cebu, naaresto – NBI

Naaresto sa Cebu ang isang Isdelito Baring o alyas Esde Baring ayon sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pamemeke o pagbebenta ng pekeng PCSO-STL Bet Booklets.

Partikular na naaresto ito sa kanyang tahanan sa Jakosalem St, Brgy. Kamagayan, Cebu City sa pamamagitan ng isang entrapment/buy-bust operation nitong February 28, 2024.

Sa entrapment operation ay nakumpiska mula kay Baring ang 100 pekeng King Dragon bet booklets at isang set pa ng 40 fake King Dragon bet booklets.

Mayroon ring nakumpiskang printer na ginagamit para sa pamemeke.

Kakasuhan si Baring ng 240 counts of falsification of public documents dahil sa paglabag sa Article 172 in relation sa Article 171 ng Revised Penal Code.

More in Regional

Latest News

To Top