Connect with us

4 na sundalo nasawi, makaraang tambangan ng BIFF sa Maguindanao del Sur

4 na sundalo nasawi, makaraang tambangan ng BIFF sa Maguindanao del Sur

Regional

4 na sundalo nasawi, makaraang tambangan ng BIFF sa Maguindanao del Sur

Mariing kinundena ng pamunuan ng Philippine Army (PA) ang ginawang pananambang ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) sa tropa ng militar.

Naganap ang pananambang sa Datu Hoffer, Ampatuan, Maguindanao del Sur noong araw ng Linggo, ika-17 ng Marso.

Ayon sa ulat, pabalik na sa patrol base ang mga sundalo ng paputukan ito ng mga terrorista  malapit sa residential area sa Barangay Tuayan Mother.

Sa kasalukuyan patuloy ang ginagawang ugnayan ng mga otoridad sa mga community leaders upang matiyak at mapanatili ang seguridad sa nasabing lugar.

Sinabi ni Philippine Army Commanding General Lt/Gen Roy Galido, dahil sa pangyayari mas lumakas ang kanilang loob natuluyan ng burahin ang teroristang grupo upang hindi na makapaminsala sa iba pa.

Kasabay nito ipinaabot din ng militar ang kanilang pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng 4 na nasawing sundalo.

More in Regional

Latest News

To Top