Connect with us

Maayos na pagpapatupad ng K-10 curriculum sa Baobaoan Integrated School sa Butuan, kinamusta ni VP Sara

Maayos na pagpapatupad ng K-10 curriculum sa Baobaoan Integrated School sa Butuan, kinamusta ni VP Sara

Regional

Maayos na pagpapatupad ng K-10 curriculum sa Baobaoan Integrated School sa Butuan, kinamusta ni VP Sara

Kinamusta ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagpapatupad ng MATATAG K to 10 curriculum sa Baobaoan Integrated School sa Butuan City sa lalawigan ng Agusan del Norte.

Ayon kay Vice President Duterte, kinausap niya ang mga guro at punong-guro ng eskwelahan tungkol pagpapatupad ng MATATAG K to 10 curriculum sa kanilang paaralan.

Inilapit rin aniya sa kaniya ang kanilang mga hinaing at mga kailangan pang payabungin sa antas ng pag-aaral ng mga estudyante, at mga pangangailangan ng eskwelahan.

Sabi ni Vice President Duterte na bahagi ito kaniyang layunin na libutin ang mga eskwelahan na bahagi ng pilot implementation ng MATATAG K to 10 sa buong bansa.

Ang Baobaoan Integrated School ay panlima sa MATATAG K to 10 pilot implementer schools na kaniyang nabisita.

More in Regional

Latest News

To Top