Connect with us

Dapat may urgency laban sa COVID-19 – Mayor Teodoro

Dapat may urgency laban sa COVID-19 – Mayor Teodoro

COVID-19 UPDATES

Dapat may urgency laban sa COVID-19 – Mayor Teodoro

Dapat may urgency ang pamahalaan sa ginagawang hakbang laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito ang sinabi ni Marikina Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro matapos nabigong makarating sa tamang oras ang Department of Health (DOH) para sa final inspection sa gagawing testing facility sa lungsod.

Ayon kay Teodoro, kumpleto na ang mga equipments at wala namang nakitang problema ang DOH sa ginawa nilang inspeksyon maliban na lamang sa confirmatory training ng mga medical technologist na gaganap sa kanilang testing facility.

Kumpiyansa naman aniya siya sa mga ito dahil galing ang mga ito sa University of Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH) at sa Germany pa nag-aral ang kanilang pathologist.

Sinabi rin ng alkalde na dapat madaliin ang gagawing confirmatory training lalo pa at marami na silang pasyente na naghihintay at may isa na ring nasawi pero hindi parin lumalabas ang COVID-19 test result nito.

Itinaggi rin ni Teodoro ang pahayag ni DOH Asec. Maria Rosario Vergiere na kahapon lang sila tumawag para sa inspection dahil noong nakaraang linggo pa sila nagpaschedule.

Sa ngayon, nakipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan ng Marikina sa COVID-19 Task Force para sa agarang pagbubukas ng kanilang testing facility.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top